Sa panahon ngayon bihira na ang kumakanta ng mga makalumang awitin, yung mga awiting pinasikat pa nila Frank Sinatra o ni Matt Monroe. Madalas sa mga videoke o kahit sa bahay mga bagong kanta na ang gusto natin awitin. Kamuntikan pa sanang manatili sa listahan ng mga awitin sa videoke at abutan ng bagong henerasyon ng kabataan ngayon ang awiting "My Way" ni Frank Sinatra kundi lang naging issue yung mga awayan at patayan na naging resulta ng pagkanta ng "My Way" sa mga videooke at inuman, kakaiba talaga ano?!
Siguro tinatanong ninyo ngayon kung bakit ko naisip ang mga bagay na yan? wala lang. Naalala ko kasi ngayon ang aming si Mang Caloy. Nung nabubuhay pa kasi siya isa sa mga paborito at madalas n'yang gawin pampalipas oras ay ang mag videoke sa aming munting tahanan. Madalas kapag wala syang ibang gagawin, pagkanta ang pinagbabalingan nya ng oras. Sa pagkaka-alala ko nga di lang madalas eh, halos araw-araw yata walang palya kumakanta si papa. Isa sa walang humpay nyang inaawit ay ang My Way ni Frank Sinatra. Sa kakapakinig ko nga sa kanya nakabisado ang lyrics ng My Way eh, hehe. Isa rin pala sa mga naalala kong tinatangkilik ni papa eh yung mga awitin ni Nat King Cole, Nathalie Cole, at marami pang diko na maalala ang mga pangalan ng mga singers na yon, kapanahunan pa kasi ni papa yun.
Hindi naman kagandahan ang boses ni Mang Caloy, kadalasan pa nga ay nagbibinata ang boses nya lalo na kapag mataas na ang tono ng awiting inaawit nya. Pero sa totoo lang magaling kumanta si papa para sakin, at marami syang alam na kanta, yun nga lang puro kapanahunan pa niya. Sa sobrang hilig nya kumanta madalas yata syang bumili ng mikropono at mga minus one na tape, di pa kasi uso nuon ang mga dvd at vcd. Pero naabutan pa rin naman ni papa yon. Madami nga syang koleksyon ng mga pirated vcd's ng mga videoke song's na madalas nyang awitin kada session nya sa bahay, na halos magasgas na sa kaka paulit-ulit na salang sa player nyang makaluma na rin hehe. (Yung image sa kanan ay nakuha ko lang po sa google, so di man ako nakapag paalam sa may-ari eh pahiram na rin po hehe. May nakasulat pong copyrigt watermark sa image, vincesearch ang nakasulat. pahiram po ha. ^_^)
Sa palagay ko kay Mang Caloy ko nakuha o namana ang hilig sa pagkanta (pero di ako magaling kumanta ah!). Mahilig din kasi akong makinig at sumabay sa mga awitin, mapaluma o bago man ito. Dati pa nga naaalala ko kapag nagvivideoke session si papa, kahit maingay sya eh wala na rin kaming magawa at kalaunan di na rin namin napapansin na sinasabayan na pala namin ang pag-awit nya. Eto pa pala ang isang trivia; ang aming si Mang Caloy kapag dimu na madinig ang boses sa pagkanta at biglang nanahimik, isa lang ang ibig sabihin n'yan...nakatulog napo s'ya at kasalukuyan nang naghihilik sa kanyang higaan, hehe.
Nakaka miss din ang malakas na tunog ng videoke player ni papa, ang walang humpay nyang pag birit habang binabasa ang mga lyrics sa tv screen. Ang mga katagang "I did it my....way" na madalas nyang awitin. Hay, nakakamiss lahat yan. Naisip ko tuloy ngayon...may videoke kaya sa langit? baka kasi namimiss na ni Mang Caloy ang pagkanta. O baka naman kasalukuyan syang nakikipag videoke session kay lord ngayon sa taas hehe.
Miss ka na namin Pang! Miss na namin ang boses at ang videoke session mo.
ganun talaga ang buhay..
ReplyDeletelove kong kumanta pero hnd ako love ng kanta.. haha! masarap kantahin mga old songs.. tnx for the visit.. follow kita pagdating ko sa hauz.
ReplyDeletethe love for karaoke is very pinoy... and that's one thing I love about pinoys... laging may kantahan ano man ang okasyon :) Masayahin talaga tayo no?
ReplyDeleteYou know what, your posts about your papa is making me feel really sentimental. I so feel the love you have for him and how you're missing him. Promise, I'm getting lumps on my throat while reading these posts. Malapit na ata ako magkaron so mejo nagiging sensitive ako :-D
at ikaw talaga, binuking mo pa si papa mo sa mga pirated vcds! natawa ako grabe. haha!
Spanish Pinay
nakakarelate ako kahit papaano, wala na din si papa eh. pero hindi masyadong mahilig sa videoke ang papa ko, or hindi siya hilig ng videoke hehe... it's nice to learn something about your father ate beth.
ReplyDeletethanks Arvin!
ReplyDeletethanks also mommy razz for dropping by! ^_^
@ Spanish pinay; thanks sis! pasensya ka na pati ikaw naging senti hehe. hay naku pirated vcd's napakarami nun ng papa ko. selections pa ang mga lamang kanta hehe. mahirap ang buhay at di nman kami mayaman kaya walang pambili ng original haha!
@ marj; ay naku marj ang papa ko walang kahilig hilig sa videoke haha! i wish! eh araw araw walang palya yun, kaya walang mumu sa haus namin eh kasi bulabog lagi sa pagvi videoke ni papa! ;P